A tribute to Rosalie Gracia-Mendoza (27 September 1950-6 April 2013)

Posted: April 30, 2013 in Uncategorized

bong mendoza's blog

A tribute to Rosalie Gracia-Mendoza

13 April 2013

Shrine of St. Therese of the Holy Jesus

 

Note: This is draft that will be finalized based on your comments.  Photos will follow later.  For this reason, a Q&A session will be held after my short talk (Do not deliver this line. Not appropriate in a church. Attention: check against delivery.  Spontaneity ahead). 

Malapad si Rosalie; malapad ang katawan, malapad ang pang-unawa at kalooban.  Kaya di iPad ang dala ko para basahin ang eulogy para sa kanya kundi  isang 15-in wide-screen laptop.

ROSALIE (aka Ka Lisa and Ka Grace): Loving wife, proper but most caring mother, comrade-in-arms, most solicitous BFF not only to me but to many others, a ready shoulder to cry on, most constructive critic, ardent, nay passionate lover (of food, coffee, and laughter and of Bong) [she would always tell me that since revolutionaries are fiercely committed to…

View original post 2,783 more words

Advertisements
Comments
  1. Corazon Gerochi Braulio says:

    Kami ng kaagapay kong si Rafael “Toto” Braulio ay nagpapahatid ng aming pakikidalamhati sa maagang pagpanaw ng iyong maybahay. Huli man daw kung taos-puso ay maihahabol rin. Di ko man nakilala personally si Rosalie, we both shared Ka Flor’s motherly care in Bo, Magsaysay, Tondo during the ’70s. I also stayed at Ka Flor’s house almost a year later after the so-called First Anniversary Harvest of Martial Law. Inirekomenda siya sa amin ng mga kasama sa Baryo dahil tiwala sila na di kami pababayaan ni Ka Flor. Above-ground ang kilos namin sa Baryo bilang mga community organizers ng Share and Care Apostolate for Poor Settlers (SCAPS), kaya kahit alam naming niraid na ang bahay ni Ka Flor sa paghahanap kay Rosalie di namin inalintana. Ayon sa kuwento ng mga anak ni Ka Flor at ng mga kasama sa Baryo, inabot ng raiding team kasama si Eddie Babon, si Rosalie sa loob ng bahay ni Ka Flor. Bagong panganak noon si Lita (anak ni Ka Flor) sa panganay niya. Hawak ni Rosalie yung sanggol. Nang tanungin kung sino yung may hawak na sanggol, walang kagatul-gatol na sinagot ni Ka Flor, “Anak ko.” Dahil kakaiba ang kulay ng balat ni Rosalie sa ibang anak ni Ka Flor, idinugtong ng matanda “sa ibang lalaki”. Kung bakit di napangatawanan ni Eddie Babon ang pagtuturo kay Rosalie, si Eddie Babon na lang ang nakakaalam. Sundot ng budhi, respeto kay Ka. Flor o himala, ang mahalaga nakaligtas sa pagkakaaresto si Rosalie. Malamang nakarating na rin sa kaalaman ninyo ang anekdotang ito, pero paulit-ulit itong ikinukuwento at inaalala ng mga nakakaalam nito. Lalo ngayon, sa pagpanaw ni Rosalie, sana may nakapaglinlang rin sa sakit na kumitil sa kanyang buhay nang sa gayon ay patuloy siyang nakakapagbigay ng sigla at buhay sa inyong pamilya. Mabuhay kayo at ang diwa at alaala ni Rosalie.

    • bongmendoza says:

      Maraming salamat, Corazon,sa iyong pakikiramay at sa kuwento. Ikamusta mo ako kay Toto. Pasensya na at ngayon lang ako nakatugon sa comment mo.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s