Posts Tagged ‘Inflation’


Ang post na ito’y isang reaksyon sa isang bago at mahusay na blog, Usapang ECON, na inumpisahan ng mga mag-aaral ng Ph.D. Economics sa UP School of Economics at iba pang mga pamantasan sa labas ng bansa.

Nandito po ang kauna-unahang blog ng Usapang ECON:

 

https://usapangecon.com/2018/09/17/ano-ang-katotohanan-sa-inflation/

 

________________________________________________________

 

 

Duterte inflation

__________________________________________________________________

 

 

Ang inflation ay di lamang usaping pangecon(omiya). Maliwanag na usaping din itong pampulitika.

Hindi masaya ang isang sambayanang nakakaranas ng inflation lalo na kung walang humpay at habas ito. Lalong di masaya ang isang pamayanan kung magkakaroon ito ng pagtingin na hindi kaya ng kasalukuyang pamahalaan na bigyang lunas ang inflation bagkus patakaran pa mismo ng pamahalaan ang malaking dahilan ng inflation.

Hindi din masaya ang pamayanan kung naririnig nila ang pagwawalang-bahala o di kaya’y pagmamaliit ng mga opisyal ng gobyerno sa hirap ng inflation na dinadanas nila. Sino ang matutuwa sa pahayag ni Kalihim Benjamin Diokno na masyadong tayong ma-reklamo at ‘sinok’ lang ang pag-taas ng presyo ng mga bilihin?

https://www.manilatimes.net/the-crisis-is-govts-lack-of-empathy/442660/

https://www.rappler.com/views/animated/203983-benjamin-diokno-high-prices-joke-hypocrisy

Magagalit sila kung sa tingin nila ay umiiwas sa responsibilidad o kaya’y nagkakalat ng kasinungalingan ang mga opisyal ng pamahalaan hinggil sa inflation.  Halimbawa, sino ang maniniwala kay Pangulong Duterte nang isinisi niya ang inflation sa Pilipinas sa inumpisahang pakikipagtalo ng Estados Unidos sa Tsina hinggil sa kalakalan sa pagitan ng naturang dalawang bansa?

 

https://news.abs-cbn.com/news/09/07/18/duterte-blames-trump-for-high-inflation-in-ph

Kapag umangal ang isang pamayanan dahil sa hirap ng inflation, malamang ay kikilos sila sa larangan ng pulitika.

Ang una nilang maaring gawin ay mag-ingay at mag-reklamo.

Maaring ding maapektuhan ang approval o trust rating ng pamahalaan sa mga surbey na isinasagawa ng SWS at Pulse Asia. Sa kabila ng pagtanggi ng mga tagapagsalita ng pamahalaan, di maaring ipagwalang-bahala ang pagbagsak ng nakaupong pamahalaan ang mga rating nito sa mga surbey.  Napabalitang bumaba sa pinakamababang antas ang trust rating ni Pangulong Duterte noong Hunyo 2018.  Ang tantiya ng ilang analyst lalo pang bababa ito sa Setyembre dahil sa suliranin ng inflation at kawalan ng sapat na suplay ng murang bigas.

 

https://www.rappler.com/nation/211476-duterte-trust-ratings-sws-june-2018

Kung tuloy-tuloy ang inflation at aabot ito hanggang sa halalan sa 2019, malamang na magiging mahalagang isyu ito na pag-uusapan ng mga botante. Sisingilin ng mga botante ang mga kandidato kung ano ang nagawa nila para masugpo ang inflation at ano ang kanilang panukala para ito’y maiwasang umusbong ito muli.